PAG-IBIG
Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha!
Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata.
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata,
tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso;
pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo. . . naglalaho,
layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo.

Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan,
parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan,
at ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.

Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos,
walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos.
Ang pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod
pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog.

Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,
tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan
iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang!

Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib
ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip.
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig,
pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit.

Iyang mga taong duwag na ang puso’y mahihina,
umibig man ay ano pa, di pag-ibig, kundi awa.
Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha
at ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila.

Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay di bulag,
ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulaklak.
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak,
o wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat!

“Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.”
Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal.
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay
minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay.

Kayo mga kabataang pag-ibig ang ninanais,
kayo’y mga paruparong sa ilawan lumiligid.
Kapag kayo’y umibig na, hahamakin ang panganib,
at ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!

José Corazón de Jesús (Nobyembre 22, 1896-Mayo 26, 1932), kilala rin bilang Huseng Batute, ay isang makatang Pilipino na sumulat ng mga tula sa Tagalog upang ipahayag ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging malaya noong panahon ng pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas (1898-1946). Tinawag ring "Pepito" noong kanyang kapanahunan.
Noong Marso 28, 1924, si De Jesus ay isa sa mga pangunahing manunulat sa Tagalog na nagpulong sa Instituto de Mujeres sa Tondo, Manila upang pagusapan ang pagdiriwang ng kaarawan ng makatang Tagalog na si Francisco Balagtas sa Abril 2. Ang pulong ay tinawag at pinamunuan ng manunulat na Rosa Sevilla. Napagpasyahan ng mga manunulat na magpalabas ng tradisyonal na duplo, o isinadulang debate sa tula na uso noong araw ngunit nalalaos na noong mga 1920. Pinalitan nila ang porma ng duplo at binansagan itong balagtasan para kay Balagtas.
PAGSUSURI
Ating mapapansin sa tula na ang nais nito na ipahiwatig sa atin ay ang pag-ibig ay hindi madali. Bawat luha at pighati ay ating matatamo kapag tayo ay umibig. Aking napagtanto na lahat tayo ay masasaktan at luluha kapag tayoy tinamaan ng pag-ibig. Marahil marami sa atin ang natatakot magmahal dahil ang kapalit nito ay ikaw ay maaring masaktan ngunit sabi nga ng nasa tula ,hindi pag-ibig ito kung ikaw ay natatakot masaktan. Sa pag-ibig bawal ang duwag, hindi pwedeng hindi ka sumugal. Bawat isa sa atin ay makakaranas ng pait at pighati walang makakatakas. Sa tulang ito ay ninanais ng awtor na buksan natin ang ating isipan tungkol sa pagmamahal. Hindi man puro kasiyahan ang ating nadarama pag tayo ay nagmahal ngunit may dala naman itong leksyon o aral kapag tayo ay nasaktan.

Lahat ng bagay ay nagiging makulay o nabibigyan ng buhay kapag ikaw ay nagmamahal. Mga imposible ay tila nagiging posible dahil sa pag-ibig. Walang pinipiling edad o katayuan sa buhay ang pagmamahal. Mahirap o mayaman lahat tayo ay pantay lamang. Pati kasarian ay walang batayan. Lalake, babae, tomboy ,o bakla lahat ay may karapatan na magmahal at mahalin. Hindi madali ang umibig ayon sa tula dahil ang pag-ibig ay hindi bulag. Hindi literal na nakikita pero nararamdaman natin. Kapag umibig gamitin ang isip hindi lamang ang puso na pwedeng makapag dulot ng masamang epekto sa taong nagmamahal.
Ang tunay na nagmamahal dapat kahit ang buhay ay kaya mong ialay. Lahat ng sugat ay handa mong tiisin gaano man ito kahapdi. Kung kailangan mong tumawid sa malalim na dagat ay dapat mong tawirin. Umakyat sa ilang bundok ay dapat mong magawa para lamang makasama mo siya.Gaano man karami ang pagsubok na iyong pagdaraanan. Hindi mo ito iisipin kung tunay kang nagmamahal.Alam ko na minsan tayo ay nabibigo, ngunit ang mahalaga tayo ay nagmamahal kahit natuto na.
Sa huling bahagi ng tula ay mahalaga dahil dito ipinahihiwatig na dapat ang lahat ng kabataan ay maging maingat kapag nagmamahal , huwag pairalin ang bugso ng damdamin. Pero susuungin ang lahat ng panganib. Sabi nga ni Francisco Balatzar "Hahamakin ang laaht masunod ka lamang" ganyan ang pag-ibig. Kaya dapat ingatan ang puso at magmahal ng malaya yung walang pangamba para maging tunay na masaya.